Bigong makuha ng Pinay na si Dolly de Leon ang Best Supporting Actress for Motion Picture award sa 80th edition ng Golden Globe Awards.
Mababatid na gumanap si Dolly sa pelikulang “Triangle of Sadness” kung saan ginanapan niya ang karater na si “Abigail” na isang staff member sa luxury yacht na kalaunan ay naging lider ng grupo ng mga survivors nang atakihin ang kanilang yate.
Samantala, nasungkit naman ni Angela Bassett ang naturang parangal, matapos nitong gumanap bilang Queen Ramonda sa Marvel Film na “Black Panther: Wakanda Forever.”
Matatandaang si Dolly ang kauna-unahang Pilipina sa kasaysayan ng bansa na na-nominate para sa Best Performance by an Actress in a Supporting Role sa Any Motion Picture para sa pelikulang “Triangle of Sadness.”
