Hinikayat ng Department of Labor and Employment ang mga emloyer na ikonsidera ang pagdaragdag din sa sahod ng mga manggagawang sumasahod nang higit sa minimum wage.
Ito ay kasunod nang pag-apruba sa apatnapung pisong omento sa pasahod ng mga minimum wage earners sa Central Luzon.
Ayon kay DOLE Regional Dir. Geraldine Panlilio, posibleng umalma ang mga supervisor at mga managers ng kompanya kung magiging pareho ang sahod ng mga ito sa mga bago at mga empleyadong nasa mababang posisyon.
Ganunpaman, nilinaw ni Panlilio na hindi ito sapilitan sa mga kompanya at kung magbibigay man ng dagdag sahod sa above minimum earners ay walang itinakdang halaga kung magkano ang dapat na ibigay ng mga employer.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
