DOLE-TUPAD kickback, nabuking; 5 empleyado ng SP Sorsogon, sibak!

SORSOGON CITY – Simula ngayong araw, Setyembre 1, sibak na ang 5 empleyado ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon matapos na masangkot ang mga ito sa anomalya sa payout ng DOLE-TUPAD.

Sa pahayag ng Bise Gobernador na si Atty Manuel ‘Wowo’ Fortes, sinabi nito na karamihan sa mga imbuwelto ay mga job order (JOs) na empleyado kung kaya’t nagtapos na ang kanilang kontrata ngayong araw.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Una rito, nabuking ang modus operandi (MO) ng nasabing mga empleyado makaraang ilantad ito ni Board Member John Paul ‘Tonton’ Erlano sa pamamagitan ng Privelege Speech.

Inamin naman ng nasabing Bokal na kaya niya nalaman ang nasabing anomalya ay dahil isa sa kanyang staff ang umamin na imbuwelto ito sa nasabing kickback.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nabatid na aabot sa P5K ang hinihingi na kaltas mula sa P9,300.00 na cash aid na matatanggap ng mga benipesyaryo ng DOLE-TUPAD, kung saan sinasabi ng mga ito na ang nasabing halaga ay para sa mga Bokal.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng DOLE at PNP ang nasabing iregularidad at kung sino-sino pa ang imbuwelto.