Inaasahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mailalabas na ang desisyon para sa mga petisyon na itaas ang minimum wages sa buong bansa, bago ang Mayo.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, kumikilos na ang mga regional wage board, at nagbigay narin ang DOLE ng gabay sa mga ito, at may utos na rin si Labor Secretary Silvestre Bello III na pabilisin ang proseso.

Una nito, nagsagawa ang labor unions alliance na Unity for Wage Increase Now! ng protesta sa National Capital Region Wage Board office para sa approval ng kanilang petisyon na P750 minimum wage.
Bago nito, ipinag-utos ni Bello sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa buong bansa na i-review ang minimum wages, dahil ang kasalukuyang P537 daily minimum wage sa NCR ay maaring hindi na sapat para sa mga commodities,