DOLE-Bicol, tinukoy ang karaniwang RFA na inihahaing reklamo ng manggagawa

SORSOGON CITY – Inihayag ng DOLE-Bicol ang karaniwang inirereklamo ng mangagawa sa kanilang field offices.

Ayon sa DOLE Regl Director na si Ma. Zenaida Angara-Campita, karamihan umano sa mga RFA o request For Assistance na idinudulok na reklamo sa kanilang field offices ay binubuo ng pagkaantala sa pagpapalabas o release ng final pay, hindi pagbabayad ng 14th month at separation pay, kulang sa pagbabayad ng sahod, hindi pagbabayad ng overtime kasama na rito ang holidays, night shift differential, non-coverage sa social protection tulad ng SSS, PhilHealth at Pag-Ibig at hindi awtorisadong cash bond at mga bawas sa suweldo o salary deductions.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting
Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon pa sa opisyal, noong nakaraang taon, may kabuuang 1, 140 labor disputes umano ang kanilang naayos mula sa 1,2 54 na RFAs sa pamamagitan ng Single Entry Approach o SEnA na nagresulta sa pagkakaloob ng P48M na settlement benefits sa 2, 223 na manggagawa sa Bicol region.