Inihayag ng Department of Energy (DOE) na may nakikita silang indikasyon ngayon na posibleng magkaroon ng oil price rollback o bawas presyo sa produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay Atty. Rino Abad ng DOE-Oil Management Bureau, posibleng ipatupad ang nakikita nilang rollback sa unang araw ng buwan ng Mayo.
Bukdo dito, iniulat din ni Abad na may ipapatupad ding bawas presyo pagdating naman sa liquified petroleum gas o LPG.

Kaugnay nito, hindi pa naman sinabi ni Abad kung magkano mismo ang ipapatupad na bawas presyo sa gasoline, diesel at LPG ngunit kanyang ipinunto na malakihan ang nakikita nilang roll back.
Sinabi ni Abad na ang pangunahing dahilan ng panibagong roll back ay ang paghina na ng epekto ng Russia-Ukraine crisis sa Pilipinas.
Binigyang diin pa ni Abad na kung magpapatuloy ang mahinang epekto ng kaguluhan sa pagitan ng nasabing dalawang bansa sa Pilipinas, bababa aniya ang demand sa langis at inaasahang mas kakalma na ang presyo nito dito sa bansa. (CLAY MARQUEZ)
#