DOLE Bicol, may babala sa mga employer na hindi magko-comply sa bagong wage order

May babala ang Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa mga employer na hindi susunod o mag ko-comply sa bagong Wage Order No. RVB-21 na nag bibigay karagdagang P30.00 sa daily minimum wage sa Bicol.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon kay Johana Gasga, Labor Information Officer ng DOLE Bicol, mahaharap sa sanctions o penalidad ang mga kompanya na hindi susunod sa nasabing kautusan. 

Epektibo ngayong December 1, 2023, magiging 395 pesos na ang daily minimum wage rate sa lahat ng sektor at establishments sa Bicol.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Madadagdagan rin ng P1K pesos ang monthly salary ng mga kasambahay mula sa P4K na buwanang sahod, magiging 5K na ito simula nagyong December 2023.