Bayan na may aktibong kaso ng COVID-19 sa Pampanga, 6 na lang

Anim na lang ang bayan na mayroong aktibong kaso ng Covid-19 sa Pampanga.

Sa latest data ng Provincial Information Office, mayroon na lang na tig-isang active case ang bayan ng Floridablanca, Lubao, San Simon, at City of San Fernando; habang apat sa bayan ng Mexico at tatlo sa Sto Tomas.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon, wala pa ring bagong kaso na naitatala sa lalawigan kaya’t nananatili sa 83, 612 ang kumpirmadong kaso.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sa nasabing bilang, 80, 536 ang mga nakarekober at 3, 042 ang mga nasawi dahil sa naturang sakit.