Doktor at nurse ng ERDH sa Lubao, pinagpapaliwanag ni Gov Delta

Naglabas ang Kapitolyo ng memo at notice to explain laban sa ilang doktor at nurse ng Escolastica Romero District hospital alinsunod na rin sa direktiba ni Governor Delta Pineda.

Ito’y makaraang makaabot sa kaalaman ni Pineda ang tungkol sa post ng isang netizen na si Trina Laus mula sa bayan ng Lubao, hinggil sa hindi umano makatarungang pakikitungo ng ilang doktor at nurse pagkatapos niyang isugod ang tatlong taong gulang na anak sa naturang hospital.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Siniguro naman ni Atty. Charlie Chua ang provincial administrator na hindi kukunsintihin ng administrasyon ni Gov Delta ang nangyari at agarang maaaksyunan ito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bukod pa rito, nangako rin si Governor Delta na tutulong ang Kapitolyo sa pagpapagamot ng anak ni Trina.

Sa kasalukuyan, hinihintay pang magsumite ng explanation ang doctor at nurse sa pangyayari.