Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na walang epekto ang plea bargain ni dating Human Resources Manager ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Marissa Dueñas sa mga kaso ni Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos mag-plead guilty si Dueñas sa conspiracy to defraud sa gobyerno ng US sa pamamagitan ng pekeng kasal kung saan na-dismiss ang iba pang kaso laban sa kanya.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV, ang kasunduan ay hindi makakaapekto sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa Quezon at Pasig City, kabilang ang child abuse at qualified human trafficking.
Patuloy naman na pinapanatili ng DOJ ang pagsubaybay sa mga kasong may kinalaman sa human trafficking at money laundering.