Mga pamilya ng biktima ng EJK, umaasa sa ICC para sa hustisya

Umaasa ang mga pamilya ng libu-libong biktima ng extrajudicial killings (EJKs) noong administrasyon ni Duterte.

Ito ay upang makamit nila ang hustisya sa tulong ng International Criminal Court (ICC).

Read More:  Marcos vows to address nurse shortage, hospital vacancies

Ayon kay Former Member of the House of Representatives of the Philippines Neri Colmenares, na ang mga gumawa ng EJKs ay siniguradong walang ebidensyang maiiwan.

Sa katunayan aniya, mahirap magsampa ng kaso dahil walang CCTV, police report, o pulis na nag-imbestiga, at pati mga prosecutor ay ayaw mag-file ng kaso.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Sa ngayon, ang National Union of People’s Lawyers na kinakatawan ni Colmenares ay nakikipagtulungan na sa ICC probe.