Inilarawan ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang kanyang mga pahayag sa huling House Quad Committee Hearing bilang ‘tip of the iceberg’.
Ayon kay Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun, ang testimonya ni Garma ay nagbigay ng sulyap sa mga nangyari sa ilalim ng Duterte administration, lalo na sa digmaan laban sa droga.
Dagdag pa niya, marami pang impormasyon ang dapat ilabas upang matugunan ang mga alegasyong ito.
Sinabi din ni La Union 1st district Rep. Paolo Ortega, na ang mga alegasyon ni Garma ay simula pa lamang ng mas malalim na isyu ukol sa Extrajudicial Killings (EJKs).
Tiniyak naman ng Quad Committee na patuloy silang maghahanap ng katotohanan at mananagot ang mga dapat managot.