Tourism Sec. Frasco – nag-file ng leave sa gitna ng kontrobersya ng ‘Love the Philippines’

Nag-file ng leave si Tourism Secretary Christina Frasco.

Ayon sa DOT public information office – isinumite ang leave request ni Frasco noong May 9 at inaprubahan naman noong May 23.

Na-file ang leave request bago pa man ang kontrobersyal na ‘Love the Philippines’ campaign ng DOT kung saan ay gumamit ng mga stock footages na hindi naman sa Pilipinas na-shoot.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Magsisilbing officer-in-charge ng DOT si Usec. Elaine Batan.

Ire-render ni Frasco ang leave simula sa July 13.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Sa kabila nito, tiniyak ng DOT na makadadalo pa rin si Frasco sa State of the Nation Address ng Pangulo sa July 24.

Nilinaw naman ng Palasyo na walang kinalaman ang pagle-leave ni Frasco sa isyu ng video campaign.
#