Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa television interview ni retired Major General Jovito Palparan, Jr., na kasalukuyang naka-detene sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakatanggap narin sila ng impormasyon na ang korte na humatol kay Palparan ay hindi nakatanggap ng request na pahintulot para sa media interview.
Nabatid na lumabas si Palparan sa SMNI News channel noong Miyerkules, suot ang signature NBP orange uniform para sa mga inmates, kung saan tinanong siya ng mga detalye ng kidnapping case na naglagay sa kanya sa kulungan.

Matatandaan na ang retiradong heneral ay guilty sa kidnapping at serious illegal detention sa dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006, kung saan ang mga biktima ay nananatiling missing hanggang ngayon.