PBBM, nangakong patuloy na susuportahan ang paglago ng turismo sa bansa

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy niyang susuportahan ang paglago ng sektor ng turismo ng bansa.

Sa selebrasyon sa ika-50 anibersaryo ng Philippine Tourism, sinabi ni Marcos na naniniwala siyang malaki ang potensyal ng 5-yr tourism development plan na kanyang inaprubahan para maging tourism powerhouse ang Pilipinas sa Asya.

Read More:  Palace calls Bato reports diversionary tactic amid VP Sara COA findings

Nanawagan din ang Pangulo sa mga Pilipino na makiisa sa pagsusulong ng turismo ng bansa.

Samantala tinanggap din ni Marcos ang special plaque of appreciation para sa kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. para sa kanyang naging kontribusyon sa sektor ng turismo.

Read More:  Death toll from Typhoon Maymay and southwest monsoon rises to six

Si Marcos Sr. ang siyang naglabas ng Presidential Decree noong 1973 na nagbigay daan sa pagtatatag ng DOT.