DOJ – nilinaw na ‘limitado’ pa rin ang kilos ni ex-Rep. Teves sa Timor Leste

Nilinaw ng Department of Justice na limitado pa rin ang kilos ni dating Negros Oriental 3rd district Representative Arnulfo Teves Jr. sa bansang Timor, Leste.

Ito ay matapos palayain si Teves mula sa house arrest ng Timos, Leste Central Authority.

Sa ilalim kasi ng batas sa Timor, Leste ay hanggang 90 araw lamang maaaring ikulong ang isang fugitive o pugante.

Bagamat laya na, patuloy pa rin namang minomonitor ng mga otoridad si Teves upang masigurong hindi makakalabas ng Timor, Leste ang dating kongresista.

Tiniyak naman ng DOJ na mapapabalik sa Pilipinas ang dating Congressman upang harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at syam pang indibidwal noong March 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *