Non- compliant employers sa Camarines Norte tinungo ng SSS sa nagpapatuloy na RACE campaign

CAMARINES NORTE- Tinungo ng Social Security System (SSS) ang ilang non- compliant employers at business establishment sa Daet, Camarines Norte sa nagpapatuloy na Run After Contribution Evaders (RACE) campaign.

Sa isinagawang Press Conference noong biyernes, July 29, 2022 sinabi ni SSS Luzon Bicol Division Vice President Elenita Samblero na ito na ang ika- anim na RACE campaign ng ahensiya sa Bicol ngayong taon.

Una umano silang nagsagawa nito sa Tabaco, Legazpi, Sorsogon, Naga at Iriga.

Layon umano ng aktibidad na ipaalala sa mga employer ang kanilang obligasyon at anyayahan ang mga ito na i- avail ang iba’t- ibang programa ng SSS upang mapagaan ang kanilang mga obligasyon o bayarin.

Isa rin umano itong marketing strategy upang paigtingin ang koleksyon ng ahensiya.

Isang beses lang umano pupuntahan ng SSS ang mga non- compliant employer para sa RACE campaign dahil bago ito ay napuntahan na rin sila ng kanilang accounts officer upang kumbinsihin ang mga ito na i- settle ang kanilang delinquencies.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bibigyan ng labing limang araw ang mga employer para mag comply sa batas bago ito iakyat sa legal department.

Kapag naiakyat na sa legal department at nabigo pa rin ang mga itong i- settle ang kanilang mga obligasyon ay padadalhan uli sila ng demand letter para mag- comply at kung hindi pa rin ay saka pa lamang dadalhin sa korte ang usapin.

More than million na rin ang nakolekta namin sa Bicol, what is important is nag comply sila and with that yung mga empleado under their employed eh makakakapag- avail na nung mga benepisyo, yung iba naman na hindi talaga nag comply despite our persuasive approach naka elevate na sa legal yung mga cases nila,” ani Samblero.

“Kung titingnan namin ito, if we’ll have to assess the effectiveness of the program, ah sa tingin namin, sa tingin ko personally effective siya.”

Ayon kay CEO II- Accounts Management Section Myrna Emata ng SSS Daet Branch anim na employer ang na- subject ngayon sa RACE kung saan lima dito ay dahil sa non- remittance of contributions na mayroong total delinquency na P533, 080 habang ang isa naman ay non- reporting of coverage.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ipinaliwanag din ni Emata ang mga proseso bago ma- subject sa RACE ang isang employer.

“Ang unang- unang ginagawa kasi namin nagpapadala kami ng statement of account then pag walang compliance sa statement of account hindi nila kinonfirm  or kinontest yung kanilang nakalagay dun sa statement of account magpapadala kami ng billing letter, sometimes sa statement of account pa lang nagsi- settle na sila meron naman mga iba na talagang billing letter sila sila nagko comply, there are some na matitigas talaga ulo, makakarating talaga sa ganito o sa legal,” pahayag ni Emata.

Ang pagbisita sa mga delinquent employer ay pinangunahan ni  VP Samblero kasama ang  Acting Head ng Luzon Bicol Legal Department Atty. Ma. Charissa Oliver- Velasco at iba pang mga opisyal ng ahensiya.

Sinamahan sila ni SSS Daet Branch Head I Ermina Maria Robredo at ng iba pang kawani ng naturang sangay.