DoJ, ire-review na ang mga kaso vs de Lima

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magkakaroon na ito ng review laban sa mga kasong inihain kay Senadora Leila de Lima.

Ito ang naging pahayag ng Kalihim matapos ang mga sunud-sunod na pagkambyo ng mga testigo at mga indibidwal sa mga testimonya nito hinggil sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa isang panayam, sinabi ni Guevarra na regular namang nagkakaroon ng pagre-review sa mga kaso sa DoJ.

Aniya, kahit na may nag-recant o wala, ginagawa talaga ng Justice Department ang review sa mga cases nito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Magkakaroon aniya ng cross-examination sa ginawang pag-recant ng mga testigo dahil hindi pa naman tiyak kung alin ang katotohanan sa kanilang mga testimonya.

Sa ngayon aniya, handa naman ang DoJ na alamin ang katotohanan at handa silang tanggapin ang magiging resulta ng case review.
#