DOT, paiigtingin ang anti-drug efforts sa tourist areas kasama ang PDEA at PNP

Pumirma ang Department of Tourism sa memorandum of aggreement kasama ang ilang law enforcement agencies upang mapalakas ang anti-drug efforts sa mga lugar na may maraming turista at byahero.

Sa isang pahayagm ay sinabi ng Philippine Drug Enfrocement Agency (PDEA) na bubuo ang kanilang Tourism Operation Protection Against Illegal Drugs (TOP-AID) ng assistance at complaint desks para sa mga sumbong na drug trafficking concerns.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Patataasin rin ng PDEA ang visibility ng mga alagad ng batas upang pahinain ang loob ng potential violators.

Layon rin ng TOP-AID na kumuha ng suporta mula sa stakeholders ng sektor ng turismo at mapaigting ang koordinasyon sa pagitan ng DOT at ng mga alagad ng batas.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Pumirma sina PDEA Director General Wilkins Villanueva, PNP Chief General Dionardo Carlos, at DOT Undersecretary Woodrow Maquiling Jr. sa MOA sa PDEA National Headquarters sa Quezon City.