Iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang mga alegasyon laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nag-alok umano ito ng biyong-bilyong piso kapalit ng tulong mula sa isang Filipino-Chinese na negosyante.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matagal nang tinututukan ng DOJ ang mga una nang inihayag ni dating senador Panfilo Lacson.
Pinakita pa umano kay Lacson ang larawan ng negosyante kasama si Guo bilang patunay ng kanilang koneksyon.
Samantala, sinabi naman ni Gilbert Cruz, Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), na ipinapaubaya na nila kay dating senador ang isyu, lalo na sa aspeto ng pag-validate ng kanyang mga pahayag.
Bagama’t hindi na nagbigay ng partikular na detalye, ipinahayag ni Cruz na hindi na siya magugulat kung totoo ang mga alegasyon.