Naghain ng ‘not guilty plea’ sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 si Apollo Quiboloy kaugnay ng kasong qualified human trafficking.
Ayon ito kay Atty. Ian Enterina, na Legal counsel ni alyas “Amanda”, na isa mga sinasabing biktima ni Quiboloy.
Kinumpirma na rin ito mismo ng kaniyang abugado na si Atty. Israelito Torreon, pero tumanggi na munang magbigay ng karagdagang detalye.
Bukod kay Quiboloy, naghain din ng not guilty plea ang apat pang kapwa akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.
Samantala, “tatag lang” ang mensahe ni Quiboloy sa kanyang mga tagasuporta kasabay ng arraignment o pagbasa ng sakdal kaninang umaga.
Ngayong hapon, naka-schedule naman ang video conference nila Quiboloy sa QC RTC Branch 106 para sa kasong child and sexual abuse.
#