DOJ, inatasan ang NBI na imbestigahan ang pagkamatay ni Ex BuCor officials Zulueta

Inatasan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang pagkamatay ni dating Bureau of Corrections Deputy Security Officer Ricardo Zulueta na isa sa akusado sa pagkamatay ng mamahayag na si Percy Lapid.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Ang direktiba ni Remulla ay bunsod ng mga pagdududa sa naging sanhi na pagkamatay ni Zulueta.

Ayon kay Remulla, kung kinakailangang makipag-ugnayan ang NBI sa forensic pathologist upang magsagawa ng autopsy sa labi ni Zulueta ay gagawin nila ito upang maalis ang pagdududa sa pagkamatay nito.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Batay sa report, isinugod sa ospital si Zulueta dahil sa pananakit ng dibdib ngunit namatay din kinalaunan.

Tiniyak ng DOJ gagawin nila ang lahat ng paraan upang lumabas ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Zulueta.