DOJ, iimbestigahan ang natatanggap na death threats ni Alice Guo

Iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang mga umano’y death threats na natatanggap ng dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano, hindi nila ito babalewalain dahil layunin ng ahensya na haharapin ni Guo ang mga patong-patong niyang kaso.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Maalalang ibinunyag ni Guo kahapon na maraming nagbabanta sa kanyang buhay, kaya’t napilitan umano siyang umalis ng bansa.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Humingi rin ng tulong ang dating alkalde kay DILG Secretary Benhur Abalos hinggil sa usaping ito.