DOJ, hindi sigurado kung may nakapasok ng ICC investigator sa Pilipinas

Inansyo ng Department of Justice na hindi nila sigurado kung may nakapasok na tauhan ng International Crminal Court sa Pilipinas para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa War on Drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Justice ASEC. Mico Clavano, nakipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration na nasa ilalim rin ng Justice Department.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sinabi ni Clavano na sakali mang may dumating na investigator ay hindi naman ito magpapakilala bilang mga taga ICC.

Hinimok naman ni Clavano ang dating Duterte officials na nagsabing labas masok sa bansa ang mga imbestigador ng ICC na maglabas ng impormasyon.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Dagdag pa niya na dapat pagtuonan ng pansin ang aksyon ng gobyerno para naman sa mga biktima at sa kanilang mahal sa buhay.