DOJ, binaligtad ang pagbasura ng Davao City prosecutor sa mga kaso ni Quiboloy

Binuhay ng Department of Justice ang mga kasong ibinasura ng Davao City prosecutor laban kay Kingdom of Jesus Christ Apollo Quiboloy kabilang ang reklamong rape.

Ayon kay Justice Jesus Crispin Remulla kakasuhan ng patong-patong na kaso ng sexual abuse of minor other acts of child abuse at qualified human trafficking si Quiboloy at ang mga kasamahan nito.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Naglabas na rin ang Department of Justice ng Immigration Look-Out Bulletin Order at maghahain din ng Precautionary Hold Departure Order kasabay ng pagsasampa ng kaso sa Davao para hindi makalabas ng bansa ang pastor.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Hihilingin din ng DOJ sa Korte Suprema na ilipat dito sa Maynila ang pagdinig sa mga kaso at magtatalaga ng special panel prosecutor para sa pag-usig nito.

Paglilinaw ni Remulla na walang halong politika ang pagsasampa ng kaso laban sa pastor.