Nilinaw ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center chairperson Myrna Cabotaje na wala pang itinatapon na COVID-19 vaccines ang pamahalaan.
Ito ay sa kabila ng mga reports na may ilang mga bakuna ang nag-expired na sa shelf life nito.

Paliwanag ni Cabotaje wala pa silang dini-dispose na vaccine dahil naghihintay pa sila ng stability data mula sa mga manufacturers kung maaari pa bang gamitin ang naturang mga bakuna.
Inihalimbawa ng opisyal ang COVID-19 vaccine ng Pfizer na napag-alamang pwede pang gamitin at mapalawig ng anim hangang siyam na buwan.
Sa ngayon sinabi ni Cabotaje na ang mga expired vaccine doses na tinatayang nasa 100,000 ay ‘quarantined’ na sa iba’t-ibang warehouse sa bansa habang pinag-aaralan kung pwede pang magamit.