Transport group umapelang buksan ang ibang ruta sa mga lugar na nasa alert level 2

Umapela ang grupong Pasang Masda na buksan na ang iba pang ruta ng mga jeep sa mga lugar na nasa alert level 2.

Sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin, dapat nang buksan ang iba pang ruta lalo na at naglalabasan na ang mga tao kasunod ng pagbaba ng bilang ng COVID-19 infections.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Ayon kay Martin, 30% pa ng mga ruta ng jeep sa NCR ang hindi pa nabubuksan habang aminado siyang hindi nasusunod ang 70% dahil hindi mapigilan ng driver ang mga nagmamadaling sumakay na pasahero.

Kaugnay nito ay umapela si Martin na payagan na ang 100% capacity ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila dahil karamihan naman ay bakunado na kontra COVID-19.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Samantala, iginiit ni Martin na malaking ginhawa sa mga jeepney driver at operator kung maisasabatas na ang Pantawid Pasada.

Dagdag ni Martin, mataas pa rin ang presyo ng produktong petrolyo at hirap pa rin silang makaagapay dito.