DILG-Bicol, hinikayat ang mga LGUs at researchers na bisitahin at pakinabang ang inilunsad na Local Governance Regional Resource Center

BICOL – Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government o DILG-Bicol ang mga LGUs sa bansa gayundin ang mga local at international researchers na bisitahin at pakibangan ang serbisyong hatid ng Bicol Local Governance Regional Resource Center (LGRRC).

Ang naturang pasilidad na matatagpuan sa kanilang Regional Office sa lungsod ng Legazpi ay produkto umano ng patuloy kolaborasyon ng DILG sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan at institusyon para sa pagpapatibay at higit pang pagpapalakas ng kapasidad ng mga LGU.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Kamakailan nga ay inilunsad nang ahensya ang LGRRC Exhibit sa layuning ipakita ang mga pangunahing aktibidad at programa ng DILG Bicol katuwang ang Multi-Sectoral Advisory Council partners.

Kasabay ng nasabing exhibit ay ang pagbubukas ng iba pang pasilidad kabilang na ang LGRRC Knowledge Hub o library kung saan nakalagay ang mga produktong pangkaalaman ng DILG, Emergency and Health Operation center na nagbibigay tugon sa panahon ng sakuna at Bicol Express for Excellence in Governance Street nagsisilbing daan para sa capacity development intervention ng LGRRC.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sumailalim din ito assessment ng validation team sa layuning masuri at matiyak ang pagiging knowledge-centric ng pasilidad na makakatulong sa promosyon ng epektibong epektibong pamamahala at paggogobyerno.

Dahil dito, kinikilala ng Local Government Academy ang DILG-Bicol LGRRC bilang isa sa top performing na Local Governance Regional Resource Center sa buong bansa.