DOH: Tumaas sa 49.3% ang vaccination coverage sa 5-11 age group

Papalo sa 132,000 katao ang nakatanggap ng kanilang first booster laban sa COVID-19 sa 3-day “Bakunahang Bayan.”

Ayon sa Department of Health, ang vaccination coverage sa limang hanggang 11 taong gulang ay tumaas 49.3 percent.

Mababatid na target ng gobyerno ang 10.8-M para sa naturang grupo.

Ang special inoculation drive na isinagawa noong Dec. 5 hanggang 7, ay naglalayung mapataas ang booster uptake at vaccination coverage sa pediatric population.

Sa huling datos ng ahensya, lumalabas na 73.6 million na mga Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19, kung saan 20.9 million ang nakatanggap ng karadagdang bakuna. //MHEL PACIA