Filipino imports , makikita sa aksyon sa  Japan B.League All-Star Weekend

Ilang Filipino cagers ang maaaring magpakita ng kanilang talento sa Japan B.League sa pinakahihintay nitong All-Star Weekend sa Enero.

May kabuuang 11 Pinoy imports ang inaasahang maglalaro para sa Asian All-Star Team at makakaharap ang Rising Stars squad sa unang araw ng laro.

Ang mga Pinoy imports  ay sina Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks Jr., Kiefer Ravena, Matthew Wright, Justine Baltazar, Jay Washington, Kobe Paras, Roosevelt Adams, Greg Slaughter, at Jordan Heading.

Kukumpleto sa lineup sina Wang Weija, Yang Jaemin, Brandon Jawato, at Gibeom Cheon.

Bukod sa All-Star Game, lalahok din si Kiefer Ravena sa Skills Challenge.

Si Heading naman ang lalaban para sa three-point contest crown.

Ang All-Star Weekend ng B.League ay magsisimula sa Enero 13 sa Mito City sa Ibaraki Prefecture.//CA