Nagtala ng 1,460 bagong impeksyon sa Covid-19 ang Department of Health ngayong araw.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 5,535.
Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,194; Central Luzon na may 1,064; Kanlurang Visayas na may 841; at Cagayan Valley na may 789.
Ang mga aktibong kaso sa buong bansa ay nasa 18,632. Mula noong 2020, nakapagtala na ang Pilipinas ng 4,046,849 na kumpirmadong kaso ng Covid-19.

Sa mga kumpirmadong kaso, 3,963,372 ang nakarekober at 64,845 ang nasawi.