Hindi ititigil ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna ng Moderna sa Pilipinas, ito’y kasunod ng pagsuspinde ng Japan sa paggamit sa ilang batch nito dahil sa umano’y kontaminasyon sa mga vials.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lahat ng mga dumarating na bakuna sa bansa ay mahigpit na ini-inspeksyon at wala naman aniyang nakitang kontaminsyon sa mga dumating na bakuna ng Moderna sa bansa.
Paglilinaw ng DOH, hindi naman lahat ng suplay ng Moderna ay ipinatigil ng Japan kundi ilang batch lamang nito ang sinuspende matapos makataan ng posibleng kontaminasyon.

Iginiit pa ng kalihim na hindi maaapektuhan ng nangyari ang nakatakdang pagdating sa bansa ng mas marami pang doses ng Moderna. // MHEL PACIA-TRINIDAD