3k RT-PCR test kits, ibinigay ng US sa PH Genome Center upang palakasin ang genomic surveillance

Nag-donate ang Estados Unidos ng 3,000 RT-PCR test kits para sa Philippine Genome Center (PGC).

Ayon USAID Philippine Office of Health Director Michelle Lang-Alli, layunin nito na palakasin pa ang covid-19 testing at ang kapasidad ng genomic surveillance sa bansa.

Makakatulong ang mga donasyong test kits sa pagtukoy ng anumang variant ng covid-19 upang makatulong naman na mapigilan ang mabilis na hawaan nito sa bansa.

Samantala, umabot na sa P1.4 billion ang inilaang pondo ng US government sa pamamagitan ng US Agency for International Development, US Department of Defense at US Department of State para suportahan ang Pilipinas sa pagtugon sa covid-19 pandemic.

Mababatid na ang Estados Unidos ang may pinakamalaking bilateral donor ng Pilipinas sa health sector sa nakalipas na 20 taon. //MHEL PACIA-TRINIDAD