Muling tiniyak ng Department of Health (DOH) na makikipagtulungan ito sa isasagawang special audit para sa kontrobersyal na vaccine procurement para sa Kagawaran.
Ito ay makaraang hingin ng Commission on Audit ang lahat ng mga kailangang dokumento para sa pagbili ng mga baukna mula 2020 hanggang 2021.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na susuportahan nila ang imbestigasyon para rito.

Sa katunayan, sa COA na raw mismo nanggaling na ang DOH pa ang nag-request ng audit para masilip kung mayroon ba talagang anomalya sa pagbili ng COVID vaccines at kung may nai-bulsa ba mula sa kaban ng bayan.
Matatandaaang unang naungkat sa Senado ang multi-million peso vaccine procurement na hindi umano naidaan sa tamang auditing dahil sa ipinataw na non-disclosure agreement o NDA.
Sa pagharap naman ni COA commissioner Gamaliel Cordoba sa Commission on Appointments kamakalawa, sinabi ng opisyal na hindi mapipigilan ng NDA ang pagsasagawa ng auditing para sa naturang procurement.
#