‘Maharlika Sovereign Wealth Fund’ ni Speaker Romualdez, may pondo – DOF

Kinumpirma ni Finance Secretary Benjamin Diokno na mayroong pondo ang pamahalaan para sa ipinapanukalang ‘Maharlika Sovereign Wealth Fund’ ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa ilalim ng House Bill 6398 ni Romualdez – magtatatag ng sariling investment fund ang Pilipinas na kahalintulad ng pondong mayroon sa ibang bansa gaya sa Singapore.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni Diokno na may pera ang Gobyerno para rito.

Sa katunayan, una na rin aniyang nagpahayag ng commitment ang iba’t ibang state pensioners, financial institutions, at insurers kabilang na ang GSIS, SSS, Landbank, at Development Bank of the Philippines.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Aniya, maaaring gamitin ang gross international reserves o GIR para rito.

Naniniwala rin ang Kalihim na mama-manage ito nang maigi at magiging independent.

Matatandaaang ayon sa mga sumusuportang mambabatas sa panukala, ang Maharlika investment fund ay maaaring i-pattern sa sovereign wealth funds ng 49 iba pang mga bansa kagaya sa Singapore at Malaysia.

House Ways and Means Committe chair Salceda, suportado ang pagbuo ng Maharlika Wealth Fund

Nakakuha rin ng suporta ang ipinapanukalang ‘Maharlika Sovereign Wealth Fund’ mula sa Ways and Means Committe ng Kamara.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa isang pahayag, sinabi ng chairperson nito na si Albay Rep. Joey Salceda na handa silang suportahan at aprubahan ang House Bill 6398 ni House Speaker Martin Romualdez.

Paliwanag ng mambabatas, hindi sila natatakot na ma-bangkarote ang pondo dahil maihahalintulad lamang ito sa National Development Corporation (NDC) na isa ring state investment arm.

Bagamat mas agresibong investment ang Maharlika Fund – kumpiyansa si Salceda na mapalalago rin ito kagaya na lamang ng NDC.

Pabor din ang economist lawmaker sa pag-eexempt sa naturang investment fund sa mga ipapataw na mga buwis kagaya na lamang ng Value Added Tax, Documentary Stamp Taxes, assessments, fees, charges, at Customs import duties.
#