Naitala ng Pilipinas ang 237 na bagong COVID-19 cases na dahilan para umangat ang nationwide tally nito sa mahigit 2.83-million.
Ang nasabing bilang ng bagong infections ay ang ikalawang pinakamababang naitala mula nang mairehistro ang 235 na bagong kaso noong December 14, 2021.
Base sa ulat ng Department of Health ay bahagyang tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso sa 10,193 kabilang na ang 3,876 na indibidwal na may mild symptoms.
Nasa 567 naman ang asymptomatic, 1,867 ang severe, at 391 naman ang nasa critical condition.
Pumalo naman ang death toll sa 50,449 matapos itong madagdagan ng 100 bagong fatalities habang umabot naman sa mahigit 2.77-million ang recoveries kabilang na ang 565 na pasyente na bagong gumaling mula sa sakit.
