Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo – bagay na kumakalat umano at pinaniniwalaan ng iba.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo, sinabi nitong walang masama sa pagamit ng mga herbs, pero aniya, wala pang aprubadong gamot sa dengue sa buong mundo.
Ayon kay Domingo, tao na ang bahala kung gagamit o kokonsumo ito ng mga herbal.
Sa kabila niya, mariing sinabi nito na walang patunay na talagang tumatalab at mabisa ang mga ito.
Rekomendasyon ng DOH – mas mabuti pa rin kung agad na kokunsulta sa mga doktor sakaling makaranas ng sintomas ng dengue.