DOH Sec, pabor sa legalization ng medical marijuana

Pabor si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa paggamit ng cannabis para lamang sa layuning medikal.

Sinabi ni Herbosa na ang medical marijuana ay maaari nang gamitin ng mga pasyente sa Pilipinas sa pamamagitan ng ‘special permit’ na nilagdaan ng Food and Drug Administration (FDA).

Dagdag pa ng Kalihim, kapaki-pakinabang ito para sa mga taong dumaranas ng cancer, glaucoma, at seizure disorder.

Samantala, ayon kay Herbosa hindi pa niya makukumpirma kung dito ima-manufacture sa bansa ang gamot kasi mae-engganyo ang mga mamamayan sa pagtatanim nito.

Aniya, mas mainam kung i-angkat nalang ang medical cannabis sa ibang  bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *