Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na ang price caps sa mga gamot ay fully implemented na ngayon, sa pamamagitan ng Executive Order No. 155, o “Further Improving Access to Healthcare Through the Regulation of Prices in the Retail of Drugs and Medicines” na una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Duque, matatamasa na ng mga Pilipino ang mababang presyo ng mga gamot para sa mas marami pang sakit, sa gitna ng tumataas na economic turmoil na dulot ng global events.
Dahil sa naturang kautusan, ang kabuoang bilang ng mga gamot na may price caps ay nasa 121 molecules o 204 drug formulations, na kinabibilangan ng para sa hypertension, diabetes, high cholesterol, asthma at chronic obstructive pulmonary disease (COPD), at colorectal, lung, at breast cancers.

Dagdag ng DOH, ang mga presyo ng gamot ay binawasan ng 40 percent mula sa kasalukuyang retail prices, kung saan ang mga lalabag ay subject sa administrative fines at penalidad na P50,000 hanggang P5,000,000.
Samantala, ang senior citizens at persons with disability ay qualified parin na mag-avail sa special discounts maliban sa price ceiling. //MHEL PACIA-TRINIDAD