DOH, pinoproseso na ang pagbili ng mga ‘second generation’ na bakuna vs COVID-19

P301 Billion na pondo ng Department of Health, dinepensahan sa Kamara

Sumalang na sa deliberasyon sa Kamara ang hiling na pondo ng Depatment of Health na nagkakahalaga ng P301Billion para sa Office of the Secretary at sa mga attached agencies and offices nito.

Si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang nagpresenta at nagdepensa ng pondo sa House Apporpriations Committee.

Sa naturang budget, P100.23Billion ang hiniling para sa state insurer na PhilHealth.

Inilahad din ni Vergeire na mayroong P95Billion na hiniling ang DOH para sa pandemic response sa susunod na taon – ngunit tanging P24.9Billion lamang ang na-aprubahan na maipasama sa 2023 Naitonal Expenditure Program.

Muling iginiit ng Health Official ang pangngangailangan ng pondo ng Kagawaran para sa pag-procure ng mga ‘next-generation’ vaccines kagaya na lamang ng mga omicron-specific na mga bakuna.

Read More:  35% of Filipino families consider themselves poor – OCTA Survey

Samantala, nang matanong naman ng mga Kongresista hinggil sa pananaw ng DOH sa IATF recommendation para sa pagluluwag ng mask mandate sa mga outdoor areas – sinabi ni Vergeire na kung siya lamang ang tatanungin, mas pipiliin pa rin niyang manatili ang pagsusuot ng publiko ng face masks.

Sa ngayon lamang aniya, kinakailangan pa ring balansehen ang kalusugan at ekonomiya.

Sa huli, sinabi ni Vergeire na hindi pa rin masasabing patapos na ang pandemya sa Pilipinas.

Paliwanag nito, malayo pa ang kasalukuyang estado ng bansa para maituring na endemic na ang COVID-19 dahil sa mababang vaccine rollout.

Next-gen vaccines

Pinoproseso na ng DOH ang mga kakailanganing dokumento para sa pagbili ng mga second generation COVID-19 vaccines na sinasabing epektibo laban sa Omicron variant.

Read More:  Former presidential spokesperson Roque pushes back vs BIR complaint

Ayon kay Vergeire, target nila na makabili ng mga nasabing bakuna pagsapit ng unang quarter ng 2023 kaya ngayon pa lamang ay naghahanda na sila para rito.

Sa katunayan aniya, nasa proseso na rin sila ng pakikipag-ugnayan sa mga manufacturers ng new generation vaccines.

Isang manufacturer ayon kay Vergeire ang hinihintay na lamang nilang matapos ang registration para sa approval nito sa Amerika upang maihanda na ng DOH ang tinatawag na term sheet.

May isa pa aniyang manufacturer ang inaasikaso na rin nila ang non-disclosure agreement.

Sinabi ni Vergeire na sa oras na maisakatuparan nila itong transaction na ito, mataas ang tyansa na makabili na ang Pilipinas ng second generation vaccine sa unang bahagi ng susunod na taon.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasabay ng isinagawang budget hearing ng Kongreso para sa kanilang P301 billion na budget para sa taong 2023.
#