Wi-nelcome ng Commission on Elections ang naging ruling ng Supreme Court kung saan ay inatasan nito ang poll body na hindi dapat otomatikong ide-deklara bilang ‘nuisance candidate’ ang isang kandidato na hindi popular.
Ayon kay COMELEC chairperson George Garcia, dapat lang naman talaga ay hindi isang ‘popularity contest’ ang halalan sa bansa.
Sa kabila nito, nanindigan si Garcia na kailangan pa ring salain nang mabuti ang mga nais kumandidato bago opisyal na ilagay ang pangalan nila sa mga balota.
Kung siya ang tatanungin, mas nanaisin pa nga raw niyang i-criminalize ang iilang mga kandidato na mapatutunayang may ‘bad faith’ o ‘malicious intent’ sa panggugulo sa halalan.
Dahil dito, umapela si Garcia na dapat pang mas mabigyan ng linaw ang depinisyon ng nuisance candidate.
Dapat aniya ay ma-amyendahan na ang 1985 Omnibus Eleciton Code dahil masiyado na itong matagal at dapat nang marepaso.
Matatandaaang nag-ugat ang ruling ng Kataasaasang Hukuman sa isang petisyon na inihain ng animal rights advocate na si Norman Cordero Marquez.
Inihain ni Marquez ang petisyon matapos itong ideklarang ‘nuisance candidate’ sa pagka-senador ng Commisison on Elections sa katatapos lamang na 2022 national elections.
#
