DOH pinaalalahanan ang publiko na huwag nang gumamit ng paputok sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok para sa ligtas na pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola na walang sinuman ang gugustuhin na may masira o maputol na bahagi ng katawan kaya’t huwag na lang gumamit ng paputok.

Ayon kay Iraola, taon- taon ay mayroong programa ang iba’t- ibang Rural Health Unit para sa ligtas na pagdiriwang ng holiday season at isa na dito ang kampanya kontra paputok.

“Every year meron tayong ginagawang observance on iwas paputok para sa Christmas kasi ayaw naman natin na may masirang isang tao, may maputulan ng isang parte ng katawan niya during new year especially during new year para lang sa paputok,” ani Iraola.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Simula bukas, December 21 ay sisimulan naman ng Provincial Health Office (PHO) ang monitoring sa Aksyon Paputok Injury reduction na tatagal hanggang sa January 6, 2022.

Noong isang taon ay mayroong isang kaso ng firecracker related injury kung saan ang biktima ay isang 17 anyos mula sa bayan ng Daet na nagpa check- up sa Outpatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nangyari ito bisperas ng bagong at kwitis ang naging sanhi.

Maliban naman sa pag iwas sa paputok ay pinaalalahanan din ng DOH ang lahat na sundin ang mimimum health standards at ang pagpapabakuna kontra COVID- 19.

Sabi ni Iraola, isa sa layunin ng pagbabakuna ay para magkaroon ng ligtas na pagdiriwang ng kapaskuhan.

“Sa ngayon po isa doon sa aim po ng ating national vaccination center is we are hoping for a ligtas  or safe Christmas dito sa buong Pilipinas, ang kailangan po, kailangan na lahat tayo ay makiisa dito sa gagawing pagbabakuna kasi dagdag proteksyon to.”