DOH OIC Vergeire tutungo sa Bicol Medical Center

NAGA CITY- Bibisita sa Bicol Medical Center sa Naga City si Department of Health Officer-In-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire.

Makakasama ni Vergeire ang iba pang mga opisyal ng DOH Bicol. Haharap din sa isang press conference.

Hindi pa nadedetalye ng pamunuan ng pagamutan ang pinakasadya, ang ospital ay nagdiriwang ng ika-89 anibersayo. Ikinabit ang mga libreng serbisyo medical.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Samantala, sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Balatan Municipal Councilor Abegail Aslor, sinabi nito malayo man sila sa lungsod naasikaso naman ang dinadala nilang pasyente.

Kung bibigyan aniya ng pagkakataon na makaharap ang opisyal o ang iba pang nasa DOH Central Office karagdagang ambulansya ang hihingiin nila. Minsan kasi nagkakasabay-sabay ang paggamit ng ambulansya ng bayan, kung hihiram naman sa BMC matagal pa bago makarating dahil sa distansya.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Hiling din na maisatuparan ang Super Health Center sa Rinconada upang mas malapit sa mga residente.