DOH nilinaw na wala pang local transmission ng Delta variant sa Bicol

CAMARINES NORTE- Nilinaw ng Department of Health na hindi pa masasabing mayroon nang local transmission ng Delta COVID- 19 variant sa rehiyon.

Ito ang inihayag ni Regional Epidemiologist Dr. Aurora Teresa Daluro sa Ulat sa COVID- 19 Bicol nitong Miyerkules.

Ayon kay Daluro bukod sa dalawa pa lang ang kaso ng Delta variant sa Bicol, na naitala sa Albay at Camarines Sur,  may paraan pa naman umano ng pag back- trace dito gayundin sa mga contacts nito mula sa first hanggang sa third generation.

Yung dalawang bagong- bagong variant of concern which is Delta hindi pa po tayo makakapagsabi na may local transmission,” ani Daluro.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

“Kasi may paraan pa rin naman po kahit it takes about one month ng pag- examine sa Philippine Genome Center ng mga specimens na pinadadala po natin ay mayroon pa po tayong nagagawang paraan we do backtracing.”

Hindi rin naman daw tumitigil ang DOH sa pagsasagawa ng surveillance.

Linggo- linggo na rin umanong nagpapadala ng specimen samples ang DOH Bicol sa Philippine Genome Center para mabantayan ang mga kasong mayroon dito sa rehiyon.

Nilinaw din nito na lahat ng variants of concern ay maikukunsidera sa patuloy na pagtaas ng COVID- 19 sa rehiyon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, una na ring inihayag ng Provincial Health Office na wala pang kumpirmadong Delta variant na nakakapasok  sa Camarines Norte.

Pero mayroon nang isang kumpirmadong kaso ng Beta variant sa lalawigan na inikulat ng DOH noong huling bahagi ng Hulyo.

Ang Beta variant o ang B.1.351 na mayroon na ngayon sa lalawigan ay unang na detect sa South Africa noong May 2020.