Mga Pilipinong botante, dapat lang umanong maging maingat sa paparating na eleksyon laban sa POGO politics

Pinag-iingat ni Senador Win Gatchalian ang bawat Pilipinong botante para sa nalalapit na 2025 midterm election kasunod ng isyu sa Philippine Offshore Gaming Operator politics.

Ayon kay Gatchalian, malinaw namang makikita sa mga naunang pagdinig ang lawak ng koneksyon ng POGO at maging ang koneksyon nito sa illegal drugs at maging criminal syndicate.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kaugnay nito, hindi umano malayong may ilang foreign nationals dito na nagpapanggap na Pilipino upang makatakbo sa eleksyon o di kaya ay pinopondohan ang ilang opisyales upang maprotektahan ang kanilang illegal na negosyo.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maalala, kamakailan, sinabi ni Senador JV Ejercito na may ilan siyang na-meet na elected officials na sa kanyang tantiya ay mga Chinoy at hindi Pilipino.