DOH, nagtala ng 277 new COVID-19 infections

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 277 na mga bagong kaso ng COVID-19 para sa araw ng Linggo, April 10, 2022, habang ang active cases tally sa bansa ay lalo pang bumaba sa 28,380.

Sa bagong datos ng DOH, pumapalo na ang kabuoang infections sa bansa sa 3,681,374.

Sinabi rin ng health department na tumaas ang total recoveries sa 3,593,225, habang ang death toll ay umakyat sa 59,769.

Nananatili naman ang National Capital Region na may mataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo, na sinundan ng Calabarzon sa 514 at Central Luzon sa 367.

Ayon sa DOH, may 18,009 indibidwal na tenest para sa COVID-19, habang 293 testing laboratories ang nagsumite ng datos as of April 9.