LTFRB, sisimulan na ang service contracting, free rides ngayong araw

Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw ang kanilang service contracting program, na kinabibilangan ng libreng sakay para sa mga commuters sa buong bansa.

Sa ilalim ng service contracting program, ang mga drivers at operators ng public utility vehicles ay makakatanggap ng one-time payout at weekly payments, depende sa layo ng kanilang ibineyahe bawat linggo, may pasahero man o wala, bilang kompensasyon para sa libreng sakay na kanilang ibibigay sa mga commuters.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon sa LTFRB, ang EDSA Bus Carousel ay kabilang sa mga unang magbibigay ng libreng sakay, kung saan 510 public utility buses na makikilahok sa programa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kaugnay nito, isasama ng ahensya ang mas marami pang PUVs at magbubukas ng iba pang ruta para sa naturang programa sa mga susunod na araw.

Ang Service Contracting Program Phase III ay ilulunsad sa ilalim ng General Appropriations Act 2022, na may kabuoang pondo na P7 billion na inilaan para sa 13,000 hanggang 15,000 PUVs na may halos 1,000 ruta sa buong bansa.