Isasagawa ang special COVID-19 vaccination drive sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na buwan, para matugunan ang mababang vaccination rate sa rehiyon.
Ayon kay BARMM Ministry of Health Director General Dr. Amirel Usman, plano ng mga lokal na opisyal na makapagturok ng bakuna sa 215,776 katao.
Sinabi ni Usman na sa ngayon, may 959,694 fully vaccinated individuals na sa rehiyon, o 28 percent lang ng target population.

Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) at ang World Health Organization na ang BARMM ay maaring makaranas ng “mini surge” ng COVID-19 infections dahil sa mababang vaccine coverage mula sa 17 rehiyon sa bansa.