Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 240 daily average Covid-19 cases kung saan tumaas ito sa 30.4% sa nakaraang mga linggo.
Ayon sa DOH weekly bulletin, nasa 1,682 ang mga bagong naitalang kaso ng naturang sakit kung saan 8 ang severe at critical condition.

Nasa 20.3% o 3,188 sa 15,706 na mga higaan ang occupied sa non-intensive care unit habang nasa 16.6% o 345 naman ang occupied ICU beds sa 2,078.
Samantala, nasa 14.52 million na ang mga Pilipinong nabakunahan ng booster shot laban sa nakakahawang sakit. (ARGIE ERGINA)