Pangulong Duterte, dadalo sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

Kinumpirma ni Liloan Mayor Christina Frasco na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng anak nitong si Vice President-elect Sara Duterte na gaganapin sa Davao City sa June 19.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Wala pa naman umano silang impormasyon na natatanggap kung dadating ang kanyang running mate na si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Magaganap ang naturang pagtitipon sa San Pedro Square na magsisimula bandang alas-tres ng hapon na posibleng magtapos ng alas-onse ng gabi.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Samantala, isang thanksgiving mass ang gagawin sa San Pedro Cathedral kung saan makikiisa si Archbishop Romulo Valles. (ARGIE ERGINA)